Friday, November 09, 2007

Erap Joke: Cory, FVR and Erap

Si Erap, si Cory at si FVR at nahuli ng mga NPA. Sila ay dinala sa taguan ng mga ito, at i-eexecute sila sa pamamagitan ng firing squad.

Inuna ng mga NPA si Cory. Sumigaw yung leader, Ready! Sumigaw ulit, Aim! Biglang sumigaw si Cory, Bagyo!!! Nagtakbuhan yung firing squad dahil natakot sila. Nakatakas si Cory.

Pag labas ng mga ito, si FVR yung isinunod. Sumigaw yung leader, Ready! Sumigaw ulit, Aim! Biglang sumigaw si FVR, Earthquake!!! Nagtakbuhan ulit yung firing squad dahil natakot sila. Nakatakas si FVR.

Pag labas ng mga ito, si Erap na. Iniisip ni Erap kung pano sya tatakas, dahil nagamit na nung dalawang ex-presidente ang bagyo at earthquake. Sumigaw yung leader, Ready! Sumigaw ulit, Aim! Biglang sumigaw si Erap, Fire!!!




If you like this post then please consider subscribing to my full RSS feed. You can also subscribe by email and have new posts sent directly to your inbox.

No comments: