Saturday, December 15, 2007

Pinoy Joke: Ganito Magbigay nng Masamang Balita

Kumirirng ang telepono nang madaling araw…
"Hello Master Carlos? Si Arnaldo po ito, yung katiwala nyo sa bakasyunan nyo."
"O, Mr. Arnaldo, ikaw pala, Ano't napatawag ka? May problema ba?
"Um, napatawag lang po ako para abisuhan kayo na namatay ang alaga nyong parrot."
"Yung parrot kong si Pikoy, patay? Yung nanalo sa bird show?"
"Opo Master Carlos, yun na nga po."
"Putris…sayang! Ang laki pa naman ng nagastos ko sa ibong yon. Hay, buhay! Teka, ano nga ba ang ikinamatay nya?"
"E kumain po kasi ng bulok na karne…"
"Bulok na karne? At sino naming salbaheng tao ang nagpakain sa kanya ng bulok na karne?"
"Wala po, nanginain po siya ng karne ng isang patay na kabayo."
"Patay na kabayo? Anong patay na kabayo, Mr. Arnaldo?"
"E, yun pong mga thoroughbred horses niyo, Sir, namatay po kasi sila lahat sa pagod, kahihila ng kariton ng tubig."
"Nasisiraan ka na ba ng bait? Anonng kariton ng tubbbiiiiigggg?"
"Yun pong pinampatay namin ng sunog."
"Diyos ko po! Anong sunog naman yang pinagsasabi mo?
"Yun pong halos tumupok sa bahay nyo…tumumba po yung isang nakasinding kandila, tapos nagliyab yung kurtina at mabilis na kumalat ang apoy…"
"Ano? Puuut…E, may kuryente naman diyan sa bahay-bakasyunan a, para saan yung kandila?
"Para sa burol po."
"Ano kaninong burol?"
"Sa nanay nyo po, Sir bigla kasi siya dumating dito nung isang gabi, walang kaabi-abiso, Lampas hating gabi na. Akala ko po magnanakaw binaril ko."




If you like this post then please consider subscribing to my full RSS feed. You can also subscribe by email and have new posts sent directly to your inbox.